Thursday, 29 August 2019

Halaga ng wika



Ngayong buwan ng Agosto 2019, ipinagdiriwang natin ang isa sa mga nakasanayan na nating mga pilipino na kada taon ay ating binibigyan ng halaga o pansin, ang Buwan ng wika. Kung saan ipinapakita nito ang pagpapahalaga natin sa ating sariling wika at pagkilala narin sa ating ama ng wikang pambansa na si Pang. Manuel L. Quezon.

Ipinagdiriwang ito sa buong bansa at kadalasan sa mga paaralan kung saan, iba't ibang mga patimpalak ang tampok. Ang tema sa taong ito ay "Wikang katutubo: tungo sa bansang Filipino" naglalayon ito na maikintal sa pambansang kamalayan ang halaga at gampanin ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa pagbuo ng isang bansang nagkakaunawaan.

Mahalaga ang paggunita sa buwan na ito sapagkat mapapalaganap nito ang pagtangkilik sa ating sariling wika at nagiging daan rin ito upang mahubog ang ating mga sarili sa pagpapalago ng sarili nating wika.

Ang wika ang nagsisilbing tagapag bigkis natin upang magkaisa at makipag komunikasyon sa bawat isa. Daan din ito tungo sa pagkakaintindihan nating lahat kahit tayo ay mula sa iba't ibang lugar dahil sa tayo ay may pambansang wika, ang Filipino.

Reference: www.tagaloglang.com

4 comments: